PUERTO PRINCESA CITY – Bawal na ang paggamit ng cellphone o headset habang nagmomotor o biseklata sa lungsod ng Puerto Princesa, ayon sa ordinansang pinapatupad ng Sangguniang Panlunsod.
Ang nasabing ordinansa ay ang “Ordinance 926: An ordinance strictly prohibiting drivers of all motor vehicles and/or bicycles from using cellphones and/or headset while driving in any thoroughfares in the City of Puerto Princesa and providing penalties for violation thereof,” ay naaprobahan noong April 16, 2018 ng ika-88 na Regular Session nito.
Layunin nito na mas lalong mapaigting ang mariing pagbabawal sa paggamit ng cellphone o headset dahil ito ay nakakasagabal at nakakabala sa mga nagmamaneho. Marami na ring kasong aksidente sa bansa at sa buong mundo ang naiugnay dahil dito.
Hindi lamang ang mga nakamotor ang sakop nito kundi pati na rin ang mga nagbibisekleta at ang mga drayber ng pedicab.
Ang first offense ay pagmumultahan ng P2,000, at P4,000 sa second offense. Ang third offense naman ay kulong ng isang buwan at/o ang pagbayad ng multa na P5,000 depended sa diskresyon ng korte.
Discussion about this post