Plano ngayon ng Puerto Princesa City government na gawin nang mandatory ang paggamit ng StaySafe app sa lungsod. Isa ito sa mga hakbang na kanilang ipatutupad bilang tugon sa pagluwag ng patakaran sa pagbiyahe sa bansa.
Ang Stay Safe ay isang uri ng application kung saan puwede mong i-update kung ikaw ay may nararamdamang sintomas ng COVID-19. Sa tulong nito mas mapapadali para sa mga contact tracer ang pag mo-monitor sa isang indibidwal. Sa pamamagitan ng app, mapapadali ang nakagawiang pagsusulat bago ka makapasok sa isang establisyemento dahil kinakailangan mo na lamang i-scan ang QR code sa isang establisiyemento at punan ang mga hinihinging impormasyon. Maaari mo rin makita dito ang latest COVID-19 update o kabuuang bilang ng mga aktibong kaso sa Pilipinas maging sa buong mundo.
“Palalagyan yan lahat ng mga facilities dito [Puerto Princesa] lalong-lalo na yung malalaking facilities na mayroong QR code na parang yan yung license to enter mo sakanilang building aside from security guards.” Ayon kay Puerto Princesa City Incident Management Team Commander Dr. Dean Palanca.
Dagdag pa ni Dr. Palanca, magiging mandatory ang paggamit nito sa lungsod sa pamamagitan ng isang resolution.
“Magiging resolution yan ng City na lahat tayo naka StaySafe [Mobile Application] siguro mga ilang buwan pa sana ma-implement yan sa lahat ng mga facilities dito [malls, stores, hotels etc.] na bago ka papasok mag QR code ka muna sa Stay Safe.”
“Yeah although tayo ay sumusunod lang sa ipinatutupad ng National at itong pagluluwag ay nakikita natin na ito na yung new normal natin at tayo ay mag-adjust sa mga ganitong nangyayari pero yun na nga palagi pa rin dapat tayo mag-protect sa ating mga sarili yung mga minimum health standards na ipinatutupad.”
Para naman kay Chef Melissa Olit isang College Professor at negosyante, maganda umano ang StaySafe ngunit hiling nito na gawing madali ang paggamit ng nasabing application.
“For me yung app [application] mismo maganda yung purpose, but yung way ng pag-fill-up at yung pag scan parang medyo marami. Hindi naging successful eh nung una namin ginagawa parang mahirap so ang tendency skip ko na lang. So sana mas madali yung pag QR nila o yung way siguro. Yung process pag-aralan nila na maging convenient.”
Discussion about this post