PUERTO PRINCESA CITY – Pahirapan sa ilan sa mga magulang na naghahatid ng kanilang mga anak na nag-aaral sa Tiniguiban Elementary School ang paglilipat ng entrance gate nga paaralan.
Isa umano sa nagiging dahilan ang mabagal na daloy ng trapiko dahil ilang metro lamang ang layo nito kumpara sa kasalukuyang daanan ngayon na nagiging pahirapan sa mga mag-aaral dahil isa rin itong daanan ng mga sasakyan ngunit nagiging problema rin sa mga magulang at mag aaral ang maputik na kalsada.
Hinaing naman ng mga ilan sa mga magulang na sagabal at malalayuan ang mga kabataan dahil kinakailangan pang maglakad ng 100 meters bago makapasok sa kasalukuyang gate.
Sinubukan naman makausap ng Palawan Daily news Team ang principal ng paaralan na siMary Hope J. Gabinete ngunit nasa isang aktibidad ito dito sa lungsod. Si Daniel E. Maquilling naman na officer-in-charge, na nakausap ng PDN, ay wala aniya siyang karapatan o hindi authorized na magbigay kumento patungkol sa problema ng ilan sa mga magulang at mag-aaral.
Sa pahayag ni David Martinez, program manager ng City Traffic Enforcement Group, nirekomenda niya ang paglipat sa mga gata na nasa national roads o highways sa gilid upang sa ganun maiwasan ang pagbagal ng trapiko. Aniya, 2016 pa sinimulan ang pakikipag-ugnayan sa mga paaralan tungkol dito.
Dagdag pa ni Martinez, “ang aming tinitingnan dito hindi ‘yung comfort kundi ang seguridad ng mga kabataan na maging safety sila.” Panawagan nito sa mga magulang na sumunod na lamang sila kung ano ang ipinatutupad dahil para din ito sa ikabubuti ng lahat.
Samantala, nakahanda naman tumulong ang Barangay Kapitan na si Jocelyn Sherna ng Barangay Tiniguiban na aayusin ang kalsada na pinaglipatan sa dadaanan ng mga studyante dahil sa ito ay maputik at masikip.
“Aaksiyunan natin yan kaagad kung anu man ang problema ng Barangay Tiniguiban, at palalagyan natin o patatambakan ng graba ang naputik na daan na kasalukuyan dinadaanan ng mga studyante,” saad ng Punong Barangay sa Palawan Daily News.
Discussion about this post