Sugatan na isinugod sa pagamutan ang Isang lalaki na kinilala na si, Glen Candor Basilan, binata, 47 anyos, habang ang suspek kinilala na si, Randy Tamayo Ty, binata construction worker, parehong residente sa WESCOM, Zone-1, Purok Bagong Silang, Brgy. San Miguel, Puerto Princesa.
Ayon sa imbestigasyon ng Police Station 1, ganap na 12:00 AM ng December 25 ng matapos mag inuman ang suspek at biktima, bago manganap ang insedente ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa at nagbanta ang suspek sa biktima at sinabing “bantay kalang mamaya”.
Ayon sa mga nakasaksi, mga alas tres ng umaga (3:00AM) nang marinig nilang sumisigaw ang biktima at humihinge ng tulong.
Agad pinuntahan ng kapitbhay ang biktima at natagpuan itong duguan sa loob ng kanyang tahanan.
Nagtamo ng walong saksak ang lalaki na agad dinala sa pagamutan, habang ang suspek ay nagbulontaryo itong sumuko sa batas, na kinakaharap ang kasong Frustrated Murder.
Discussion about this post