Muli na namang dinagsa kagabi, Marso 8, 2021, ang Acacia Tunnel sa Brgy. Inagawan Sub. Marami kasing mga Palaweño ang nais na masaksihan ang mga ikinabit na LED Lights ng Puerto Princesa City Government sa mga puno.
Nagpaalala naman ang Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) na may malaking epekto ang libu-libong ikinabit na ilaw sa lugar. Marami kasing buhay-ilang ang naninirahan sa lugar.
“Hindi natin masasabi ka-agad yung effect nun doon sa area ano? Pero 4,220 light bulbs ata ang inilagay diyan [acacia tunnel] along the stretch nung 1.1 kms. So nakita ko yung drone shots nung area eh ang liwanag talaga tapos mukha nga siyang buwaya sa gitna ng kadiliman tapos mukhang masyadong malakas yung ilaw ano? And talaga ang unang magsu-suffer diyan yung pinagkabitan ng ilaw which is yung mga trees. Hindi pa natin alam kung how long it will last but siguro makikita natin yung effect after 1 year of consistent artificial light they are receiving.” Ayon kay Jovic Fabello ng Palawan Council for Sustainable Development.
Dagdag pa ni Fabello, maaapektuhan umano ng husto ang mga hayop na naninirahan sa lugar lalo na ang mga nocturnal o mga hayop na aktibo sa gabi.
“Ang isang effect pa sa wildlife is dadami yung concentration ng mga insects doon sa area and at the same time yung mostly affected diyan yung mga bats [paniki] siyempre wala na yung cover nila and wala na yung capacity nila na maka-hunt dahil puwede silang magkubli o yung nocturnal animals hindi na sila makakapag-hunt diyan o makakuha ng pagkain dahil nga maliwanag na at mawawala na yung cover nila at yung mga prey nila eh mawawala na rin diyan.”
Maaari rin umanong magbago ang klima ng Acacia Tunnel dahil sa init na dala ng LED lights.
“Yung heat kasi na prino-produce ng artificial light ay mas matindi kaysa doon sa daylight na normal na sunlight. And mas mainit yan [LED Lights] and definitely yung microclimate ng area tuwing gabi na instead na maaliwalas siya o malamig eh medyo iinit ng kaunti dahil doon sa heat na prino-produce ng 4,220 na light bulbs.”
Dagdag atraksyon man, mas mainam pa rin umano ang pag iingat sa mga puno maging sa mga hayop na naninirahan dito.
“Nagbigay lang ako during my past interview kung ano yung mitigating measures na dapat nilang [City] gawin para naman yung effect doon sa wildlife ay hindi ganoon ka-damaging. Nabanggit ko nga diyan yung lighting time ay dapat bawasan hindi siya buong gabi, siguro mga 4 hours lang sa evening and then yung headlights[light bulb] mayroon sana siyang parang payong na yung ilaw is nakatutok lang sa daan yung spread nung light papunta lang sa daan hindi siya dapat pumunta doon sa mga branches pati sa mga dahon.” -Jovic Fabello Spokesperson of PCSD
Para naman kay Jason na residente ng Puerto Princesa, wala umano magandang maidudulot ang paglalagay ng mga LED Lights sa mga puno ng acacia.
“Scientific studies show that light pollution poses a serious threat in particular to nocturnal wildlife, having negative impacts on plant and animal physiology. It can confuse the migratory patterns of animals, alter competitive interactions of animals, change predator-prey relations, and cause physiological harm. The rhythm of life is orchestrated by the natural diurnal patterns of light and dark; so disruption to these patterns impacts the ecological dynamics.”
“An ethical question to the City Administration regarding the environment now arises: Is the beautification of the Acasia Tunnel well worth the price of the environmental threat it creates?”
“In my opinion, it is not. We do not hold dominion over the environment of Acasia Tunnel. Though we do not recognize it, the Acasia Tunnel’s environment is a complex living system that generously sustains all forms of life there. It opens itself as a ground of survival and sustenance. However, instead of experiencing the natural environment of Acasia Tunnel as our home, we view it as a place of commerce only for its use, like for tourism industry only, and nothing more. If we are to view it as our home, we are likewise bound to recognize and experience the innate value of beings that take part in the various physical processes in the ecosystem that all contribute to the maintenance of life in the Acasia Tunnel. And to disrupt the ecosystem of Acasia Tunnel by light pollution would be tantamount to an exploitation of it.”
Discussion about this post