Nagkaroon ng pirmahan sa pagitan ng City Government of Puerto Princesa sa pamamagitan ni City Mayor Lucilo Bayron at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Palawan sa pamamagitan naman ni Director III Gil Cesario Castro, Regional Director ng PDEA, noong Marso 13 sa gusaling panlungsod.
Nakasaad sa memorandum of agreement (MOA) na pinapayagan ng Pamahalaang Panlungsod na magamit ang pasilidad ng City Crematory sa pagsira ng mga ilegal na droga at mga expired o paso ng mga gamot na tinurn-over mula sa Philippine National Police (PNP), Regional Trial Courts (RTC), at iba pang government o pampribadong ahensiya.
Matatandaan isinagawa noong Marso 14 ang pagsira o pagsunog sa mga nakumpiska sa operasyong may kinalaman sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 na ginawa sa New Public Cemetery sa Barangay Santa Lourdes.
Ayon kay Castro, nasa 777 drug personalities ang naitala sa probinsya ng Palawan.
“With the data given by the PADAC and other law enforcement agencies, 777 drug personalities ang naitala ng probinsya natin, and these pieces of evidence are consistent with the number of drug users with the frequency of their drug used, what are we going to do now is to transform those given numbers and figures into a success rate”, ani Castro.
Ang mga ebidensya na nakumpiska sa mahigit na dalawang taon sa mga drug suspek ay sinasara sa harap ng publiko at mga law enforcement unit.
“Kailangan natin sirain ito, in front of everybody para hindi na mapakinabangan, hindi ito totoo na lumalabas sa lansangan at nire-recycle. Ang PDEA po ay isang ISO certified body, bago namin ipasok ang mga bagong kumpiskadong mga evidence namin sa aming mga raid ay ini- inventory ito sa harap ng mga witnesses.”
Samantala, ang patuloy ang hakbang ng mga kawani ng PDEA-Palawan upang puksain na nang tuluyan ang paggamit at pagbebenta ng ilegal na droga at ilan pang kaakibat na usapin na nire-recycle ang mga ito.
Discussion about this post