Pinaghahandaan na ng City Government ang nalalapit na Pista Y Ang Kagueban sa ika-1 ng Hulyo, Sabado, na gaganapin sa bahaging norte ng lungsod, partikular sa mga barangay na lubhang naapektuhan ng bagyong Odette noong Disyembre 2021.
Ayon kay Puerto Princesa City Mayor Lucilo R Bayron, handa na rin ang City Enro na magpapalipad ng helicopter para maghulog ng mga seedlings lalo na sa matataas na bahagi ng mga lugar na hindi kayang puntahan ng mga lalahok. “[Sa] Sabado, July 2, gaganapin yung Pista Y Ang Cagueban…tulad ng nasabi ko, hindi natin nagawa as we usually do it, occasionally, sa last Saturday ng June kasi medyo gipit talaga [sa oras],” saad ni Bayron.
“Yung City ENRO will be consulting lahat ng offices para ma-distribute sa mga iba’t ibang mga barangay…ang Pista Y Ang Cagueban ay doon gagawin sa may northern barangays natin na tinamaan ng bagyong Odette,” ani ni Bayron.
“Na-arrange naman [na] nila yong aerial seeding…hopefully mayroon nang mga helicopter o kung anuman na maghuhulog ng mga seeds…kasi medyo mabundok, hindi naman kayang akyatin ng mga tao at mag e-aerial seeding nalang doon,” paliwanag pa ni Bayron.
Samantala, ang Pista Y Ang Kagueban sa lungsod ay taunang tradisyon na ginaganap sa huling linggo ng Hunyo kung saan magtatanim ng karagdagang mga puno ang mga participants, at dahil nga sa pagiging abala ng pamahalaang panlungsod sa mga nakaraang mga aktibidad ay hindi ito natuloy. Dagdag naman ng City Mayor, sa susunod na paglulunsad ng Pista Y Ang Kagueban ay muli na itong babalik sa nakagawiang petsa ng tradisyon.
Discussion about this post