Naging matagumpay ang pagbabantay ng Puerto Princesa City Police Office sa halalan sa lungsod ng Puerto Princesa.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tabi taga pagsalita ng PPCPO, naging tahimik at walang anumang naitala na insedente sa araw ng halalan sa Puerto Princesa.
“Payapa at matagumpay ang election sa puerto princesa,” saad ni Tabi.
Samantala unti-unti na nagsimulang magbaklas ng mga campaign materials, tarpulin sa lungsod ng Puerto Princesa ang ilan sa mga supporters ng mga politiko, ngayong umaga.
Discussion about this post