Ayaw maging kampante ng pamunuan ng Puerto Princesa City Water District (PPCWD) sa suplay ng tubig na mayroon ngayon ang lungsod.
Pinasinayaan noong Hunyo 2 ang bagong proyekto nito na Water Supply Improvement Project II na matatagpuan sa Lapu-Lapu Treatment Facility sa Brgy. Montible at nagkakahalaga ng mahigit ₱780-million na ayon sa PPCWD kayang mag-supply ng mahigit 80-million na litro ng tubig kada araw sa lugar ng poblasyon liban na lamang umano sa malalayong barangay na sakop ng lungsod.
Ayon kay PPCWD BOD Chairman, Atty. Winston T. Gonzales, hindi umano dapat makampante ang kanilang tanggapan dahil sa sobra-sobrang suplay sa ngayon ng tubig at dapat umano ay habang maaga pa ay magkaroon ng alternatibong paraan ang mga ito upang mapagpatuloy nito ang magandang serbisyo sa residente ng lungsod.
“We may have sufficient water for now…but perhaps in two (2) to three (3) years we should look forward to another source of development,” saad ni Gonzales.
“We have to meet the ever changing rigid base of our development…especially when I heard about the present administration trust now of ‘mega apuradong administrasyon’…so we will have to match the speed of the development of the City Government,” dagdag pa ni Gonzales.
Para naman kay City Mayor Lucilo R. Bayron, sobra-sobra umano ang suplay ng tubig ngayon sa lungsod na base sa kinakailangang konsumo ng lungsod na mahigit 42-million liters bago ang pandemya at noong pumasok ang pandemya dukot ng COVID-19 ay bumaba ito sa mahigit 30 hanggang 39-million liters. Dahil dito ay nagpasalamat siya sa pamunuan ng PPCWD.
“Sabi nga for the next ten (10) years medyo bastante tayo sa suplay parang hindi ako maniwala na aabot ng 10 years itong 80-M [liters of water] kasi nga ang sabi niya [GM Laurel] requirments as of now because of the pandemic at tiyaka iyong reduction ng mga visitors/guest na pumupunta sa Puerto Princesa mga 30 to 39-M liters lang…noong pre-pandemic it was 42-M [liters],” pahayag ni Bayron
“Yung demand will keep on going up exponentially, geometrically pero yong supply ay siyempre pababa at pataas,” saad ni Bayron, at, “Kapag walang ulan during yong period na driest season yong La Niña or El Niño na wala talagang ulan ang suplay natin bababa…kaya natatakot ako na hindi ito mababastante ng 10 years.’
Ang pondo sa pagpapatayo ng nasabing proyekto ay inutang mula sa DBP at BPI. Ang 10% naman ay nanggaling mismo sa pondo na PPCWD. Kaya hinimok ni Chairman Gonzales ang mga kasamahan nito sa PPCWD na ipagpatuloy ang magandang nasimulan at magbayad umano sila ng tama.
“So I called all of our employees (PPCWD)…first of all that I hence services division kung maari po ay magbayad ng tama para po mas madali po tayong kumatok sa DBP at BPI sa susunod na hihingi tayo ng pondo,” saad ni Gonzales.
“And of of course to our technical people our engineers from the board we tell you know that we have to come up with another face of development…again that will sustain our source of life [water source] for the next ten (10) years,” dagdag pa ni Gonzales.
Samantala, wala dapat umano pangambahan ang mga consumidores nito sa pangambang dagdag bayarin ng tubig sa ngayon, dahil ayon sa PPCWD 2030 pa umano sila magkakaroon ng taas singil at iyan ang pinangako umano nila sa City Government.
Discussion about this post