Naging matagumpay sa loob ng kalahating taon ang pagbibigay ng serbisyo para sa mga Senior Citizen sa pamumuno ni Mayor Lucilo Rodriguez Bayron.
Inuuna ng Pamahalaang Panlungsod ang mga pangangailangan ng mga Senior Citizen sa pamamagitan ng mga proyekto at programa, kaya’t tinawag din siyang “Palangga ng mga Lolo at Lola”.
Sa accomplishment report mula Enero 3 hanggang Hunyo 30, nadagdagan ng 1,469 ang bilang ng mga miyembro ng SC. Nakatanggap rin ang 892 SC ng mga “welcome cake incentives” na nagkakahalaga ng kabuuang ₱446,000.00. Nagawang ipamahagi ang 1,502 booklets ng medisina na nagkakahalaga ng ₱60,080.00. Pagdating sa “financial assistance” tulad ng panggagamot, paglibing, kabuhayan, at pagkain, natulungan ang 519 indibidwal na umabot sa halagang ₱1,038,000.00. Kabuuan, 1,853 SC ang na-serbisyo.
Nagawang mamahagi ng 108 “birthday cakes” bilang “birthday cake incentives” sa mga SC na nasa edad na 90 pataas, na nagkakahalaga ng ₱54,000.00. Sa usapin ng “cash allowance,” natanggap ng 25,960 SC sa unang kwarter at 26,331 SC sa ikalawang kwarter na may kabuuang halagang ₱104,714,000.00. Nakatanggap din ng tulong ang 12,424 “indigent senior citizens” sa pagproseso ng kanilang Social Pension Beneficiaries DSWD Fund, at mayroon ding 4,322 walk-in clients.
Bukod dito, naihatid rin ang mga “assistive devices” tulad ng mga wheelchair, metal cane, metal crutch, at steel walker. Nakapaglabas din ng 55 “certifications” at naproseso ang pagiging miyembro sa Philhealth.
Kasama ni Mayor Bayron sa tagumpay na ito para sa mga senior citizen ang Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) sa pamumuno ni Ma. Asuncion Vigonte, at si Ms. Hydhe S. Dizon, Executive IV Assistant/Senior Citizen Assistance Program Manager.
Discussion about this post