Isinusulong ngayon sa Sangguniang Panlungsod ng Puerto Princesa na taasan ang buwanang insentibo ng mga Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Service Point Officers (BSPO), Community Volunteer Sanitation Inspectors (CVSI) at Barangay Malaria Microscopists (BMM) sa 66 na barangay dito sa lungsod.
“Nire-request natin sa Punong Lungsod sa pamamagitan ng isang resolution na itaas yung monthly incentives ng mga community volunteers. Ang concern po natin dito, ma-increase yung monthly incentives nila kasi nga po para to alleviate the economic and financial situation at ma-boost naman yung kanilang morale at ma-motivate natin yung kanilang outstanding dedication nila sa service. Yun po ang purpose natin.”
Ayon sa may akda ng resolusyon na si Konsehal Roy Ventura, sa ginanap na regular na session kahapon, Marso 1, 2021,Karamihan din daw sa mga community volunteers ay hindi parehas ang insentibong natatanggap kada buwan.
“Kasi nga po ang natatanggap lang po nila dito is yung iba 1,500 per month mga ganun bawat isa at yung incentives naman nung mga BHW [Barangay Health Workers] umaabot na almost 1 month 11,450 mga ganun something ganun yung kanilang natanggap eh gusto natin is pantay-pantay din sana.”
Para naman kay Grace Villa isang Midwife sa Barangay San Pedro, pabor umano ito sa panukala na taasan ang insentibo ng mga community health workers.
“Puwede po kasi yung suweldo na binibigay ng barangay 4,000.00 tapos yung City Pay namin 1,500 lang kaya para naman unfair naman kasi araw-araw sila katulad ngayon gumagawa tayo ng master list para doon sa COVID-19 na kung sinu-sino ang magpapa-vaccine ngayon sa araw-araw magkano ang pamasahe kapag umaalis sila, kakain din sila parang wala nang natitira sa kanilang insentibo na tinatanggap sa siyudad na 1,500 kaya pabor ako doon sa panukala.”
Dagdag pa ni Grace, gustuhin man ng ilan na maghanap ng ibang trabaho ay hindi na nila umano ito maiwan sapagkat nag-i-enjoy na ang ilan sa kanila.
“Kulang na kulang talaga yun sir kahit di nila [Community Health Workers] yun ginusto at gustuhin man nila maghanap ng ibang trabaho pero nag i-enjoy na rin sila dito [Barangay Health Clinic] kasi boluntaryo lang naman ito diba kasi hindi naman suweldo tinatanggap nila kundi incentives lang yun.”
Discussion about this post