Nagsimula na ngayong araw ng Abril 27 hanggang 29 ang local absentee voting (LAV) sa Puerto Princesa City Police Office.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Salvador Tabi tagapagsalita ng PPCPO, 359 ang nag-apply ngunit 33 ang hindi nakasama sa LAV.
“324 lahat ang approved for absentee voting. 357 ang nag apply pero may na disapprove na 33, kaya naging 324 lang,” pahayag nito.
Dagdag pa ni Tabi ang 33 ay hindi kasama sa masterlist ng Comelec.
“Mayroong hindi kasama sa masterlist ng comelec, meron ding inactive na, meron din may lackings of incomplete ang application,” dagdag pa ni Tabi.
Samantala, 53 na polling centers at bawat isa ay mayroong 2 PNP personnel ang magbabantay.
Bumuo narin ng Quick Reaction Teams (QRT) ang PNP na sila naman ang tutugon o magreresponde kung sakaling meron hindi inaasahan na insidente.
Discussion about this post