LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA — “Ang edukasyon ang mabisang sandata upang mabago ang buhay.”
Ito ang isa sa binigkas ni Dr. Benjamin D. Paragas, Director ng DepEd MIMAROPA Region, sa harap ng 194 na mag-aaral na nagtapos sa Alternative Learning System, mga magulang at mga guro, bilang panauhing pandangal sa ginanap na programa ngayong hapon, ika-21 ng Agosto 2018.
Ayon kay Dr. Paragas, nariyan lng ang ALS para sa hindi nakapagtapos sa elementarya at high school. Ito umano ang sandalan ng mga nagtatrabaho sa mga pribadong sector, mga katulong, bilanggo, mga entertainers at marami pang iba.
Ang mga guro pa umano ang naghahanap ng mga mag-aaral upang turuan, hindi ang mga estudyante ang pumupunta sa mga paaralan, dagdag pa ni Dr. Paragas.
Ayon nman kay Ginalyn G. Betarmos, isang mag aaral na may karangalan, noong una umano ay tutol ang kanyang asawa. Pero sa kabila ng kahirapan at pag-aalaga sa mga anak, hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang pag-aaral.
Sa kanyang pagsisikap, natapos niya ang high school pagkaraang maipasa nito ang assessment ng ALS
Ang layunin ng ALS ay matugunan ang mga pangangailangan ng mga hindi pa nakapagtapos ng elementarya at high school. Sa papamagitan nito magkakaroon ng diploma ang isang estudyante pagkatapos maipasa ang national assessment o ang tinatawag na Accreditation and Equivalency Test.
Discussion about this post