LUNGSOD NG PUERTO PRINCESA — Sumailalim sa tatlong araw na skills training ang mga mag-aaral ng Alternative Learning System mula sa iba’t-ibang mga barangay na nasasakopan ng tatlong distrito ng DepEd sa lungsod ng Puerto Princesa noong nakalipas na linggo.
Cookery, food processing at organic gardening ang kanilang mga natutunan sa isinagawang pagsasanay.
Ayon kay Christine, 18 years old at may isang taong gulang na anak, malaki ang maitutulong sa kanya ng kaalaman na natamo lalo na sa preparasyon sa organic gardening.
Ayon naman kay Rosie Fortades, 45 taong gulang, bilang isang solo parent, ngayon lng niya nalaman sa pagsasanay lang na ito ang mga pamamaraan sa pagluluto na itinuro at preparation sa organic gardening na maililipat nya sa kanyang mga apo.
Discussion about this post