PPCPO nagsagawa ng feeding program sa Brgy. Bancao-Bancao

Nagsagawa ang Puerto Princesa City Police Office ng feeding program para sa mga kabataan sa Mauricio Reynoso Memorial Elementary School sa Brgy. Bancao-Bancao Lungsod ng Puerto Princesa nitong Pebrero 22,2022

Layon nito mabigyan ng sapat na nutrisyon, lalo na sa panahon ng pandemya ang mga studyante ng Mauricio Reynoso Elem. sa tulong narin ng Haim Chicken na naging katuwang ng PPCPO sa pagbibigay ng lugaw.

Asahan naman sa mga susunod na araw ay muling magsasagawa ng kaparehong aktibidad ang PNP sa mga Barangay ng Puerto Princesa.

Exit mobile version