Sinampahan na ng kasong murder si Hermie Bacosa, 35 anyos, magsasaka at residente ng Brgy. Tagabinet kaugnay sa pagpaslang kay Nelson Calise na residente ng Barangay Maoyon.
Matatandaan noong January 2 ganap na ika-7 ng umaga ay natagpuan si Calise na wala ng buhay sa gitna ng kalsada sa Sitio Bayatao, Barangay Tagabinet.
Sa ginagawang imbestigasyon ng PNP, dalawang saksi ang nagtestigo laban sa suspek.
Ayon sa salaysay ng mga ito, bago pa man maganap ang krimen ay magkasama na umano ang suspek at biktima na nag-iinuman. Nakita din ng mga saksi na pinagtataga ng suspek ang biktima sa lugar. Nagkaroon umano ng pagtatalo ang dalawa at nauwi sa pagpatay.
Sa kasalukuyan, nasa-inquest proceeding na ang nasabing kaso.
Discussion about this post