Pormal nang nagsimulan ang Training ng Electrical Installation Maintenance NCII at Housekeeping NCII para sa mga benepisyaryo ng ikatlong distrito ng Palawan.
Ang Housekeeping NCII ay may mahigit tatlong buwang pagsasanay na gaganapin sa Badjao Inn sa ilalim ng Frontliners Skills Training and Review Center.
Samantala, ang Electrical Installation and Maintenance naman ay gaganapin sa Sta. Monica High School sa ilalim ng pagsasanay sa Southern Palawan College Incorporated (SPCI).
Mahigit dalawampu’t lima ang partisipante ng naturang kurso na inaasahang makatatanggap ng National certificate sa pagtatapos ng kanilang pagsasanay. Labis naman ang kagalakan ng lahat ng mga benepisyaryo ng naturang pagsasanay dahil sa mga ganitong programa ni Congressman Gil “Kabarangay” Acosta.
Ayon pa sa kanila, malaki ang maitutulong nito sa kanila, lalo na’t tumataas ang turismo sa lalawigan partikular na sa Lungsod ng Puerto Princesa. Dumarami ang mga establisyemento na nangangailangan ng karagdagang empleyado lalo na sa mga itatayong resorts at hotels sa lalawigan.(PR)
Discussion about this post