Arestado ng City Police Drug Enforcement Unit, at Anti-Crime Task Force ang umano’y pusher na kinilalang si Ferlito Gantang Trajeco alias Tawing, 38 anyos, isang call center agent, na residente sa Barangay Masipag, Puerto Princesa City.
Ayon sa report ng Puerto Princesa City Police Office, ganap na 8:33 kaninang umaga ika-14 ng Mayo nang maaresto sa ikinasang anti-illegal drugs buy-bust operation sa Purok Pag-asa, Brgy. San Pedro laban sa suspek.
Nabilhan ito ang asset ng PNP ng isang pakete na pinaniniwalaang shabu kapalit ang P1,000 buy-bust money.
Habang kinakapkapan si Trajeco nakuhaan pa ito ng muli ng dalawang pakete na hinihinalang shabu.
Nabatid na ang suspek ay matagal ng sinusubaybayan ng mga operatiba dahil sa pagkasangkot umano sa droga.
Nahaharap sa kasong paglabag ng RA 9165, o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 si Trajeco.
Discussion about this post