PUERTO PRINCESA CITY — Aprobado na ng Sangguniang Panlungsod ang resolusyong paglilipat sa opisina ng Land Transportation Office Palawan na ngayon ay nasa Valencia Street, Puerto Princesa.
Ayon kay konsehal Victor Oliveros, nakatakda ng pondohan ng pamahalaang lungsod ang bagong itatayong Opisina ng LTO sa Brgy San Jose bago matapos ang taong 2018.
Inaprobahan ang nasabing panukalang ito na inakda ni konsehal Jimmy Carbonel upang ng sa ganun ay maitaas ang antas ng serbisyo ng LTO sa lahat ng mga Palaweno kasabay ng pagsasaayos narin ng lagay ng trapiko sa nasabing lugar.
Labis naman ang pasasalamat ng pamunuan ng LTO sa panukalang ito kung saan matagal na rin umano nila itong kahilingan sa kanyang opisina bagay na mabibigyan na ng pansin.
Discussion about this post