Muling magsasagawa ang pamahalaang panlungsod ng Puerto Princesa ngayong Agosto 12, sa Purok Isdang Bato, Barangay Bagong Silang, ng panibagong “Save the Puerto Princesa Bays” Program.
Nagkaroon ng pagpupulong ngayong araw ng Huwebes, Agosto 10, sa Conference Room 2 ng New City Hall Building na pinangunahan ni Mayor Lucilo R. Bayron, kasama ang City ENRO, City Information Office, City Administrator Office, City Gender and Development o GAD at mga Kapitan ng piling barangay.
Nariyan rin ang suporta mula sa Philippine National Police, Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Armed Forces of the Philippines, Naval Forces West at iba pang uniformed personnel. Maging ang mga kinatawan mula sa akademya at non-government organization gaya ng Project Zacchaeus Eco-kolek ay dumalo rin sa nasabing pagpupulong.
Sa darating na aktibidad inaanyayahan ang mga nais na lumahok na 4:30 ng madaling araw ay dapat magtungo na sa lugar kung saan gaganapin ang “Save the Puerto Princesa Bays”.
Via Jane Beltran / Palawan Daily News
Discussion about this post