Nangako si Senator Lito Lapid na tutulong para maging national event ang Subaraw Biodiversity Festival.
“Katulad ng sinabi ni Congressman kanina(Third District Congressman Gil Acosta Jr) pagtutulung-tulungan po namin para maging national event na,” pahayag ng Senador na dumalo sa closing program ng festival noong November 11 na ginanap sa Puerto Princesa City Baywalk.
Sinabihan rin ni Lapid si Deparment of Tourism Undersecretary Art P. Boncato Jr na dumalo rin sa programa na ipaabot kay DOT Secretary Romulo-Puyat na suportahan ang Puerto Princesa at Lalawigan ng Palawan
Bago ito ay sinabi ni Boncato na nais rin ng kanilang tanggapan na ipagpatuloy ang nasimang adbokasiya sa pangangalaga sa kalikasan.
“Hangarin rin po ng Department of Tourism na maipagpatuloy ang ating adbokasiya tungkol sa Biodiversity and protection of the environment,” giit pa niya.
Kinumpirma niya rin na umiikot ngayon ang Ahensiya sa mga para ihanda ang mga tourist destination sa pagdagsa ng mga turista.
“Ang DOT ngayon ay umiikot sa buong bansa upang alagaan ang mga destinasyon tulad ng Puerto Princesa, El Nido and Coron at lahat na mabigyan ng atensyon na maging handa sa paglago ng turismo sa Pilipinas”,saad pa niya.
Matatandaang sa press conference na ipinatawag ng City government noong November 10, sinabi ni Mayor Lucilo Bayron na maituturing ng national event ang Subaraw Biodiversity Festival bagamat hindi pa kayang matapatan ang ibang national event sa bansa.
Magkagayunman naniniwala umano ang liderato ng City goverment na magiging isang major national event ang Subaraw Festival at sa mga susunod na panahon ay maging international event.
Natatangi rin ito dahil karamihan sa mga festival sa bansa ay religious event
“Most of the national event are base on religion,not all but most,sabagay may panagbenga about sa mga flowers and others ganyan,dito sa Pilipinas known tayo celebrating festivals nagsimula siguro sa mga fiesta noon, ngayon we thought that here in Puerto Princesa we have a different kind,it’s unique,di ko alam kung may ganyan sa ibang mundo,Biodiversity so PPUR (Puerto Princesa Underground River) Day was transform into Subaraw Biodiversity Festival,” ani pa ni Bayron.
Ipinaliwanag niya pa na ito ay isang pagdiriwang ng Biodiversity dahil ang national park na nasa loob ng world heritage site na bahagi ng new seven wonder of nature ay mayaman sa biodiversity hindi lamang sa lupa kundi maging ang dagat nito ay napakayaman rin sa biodiversity.
Ginaganap ang Subaraw Biodiversity Festival sa syudad tuwing November 2-7 taon-taon.
Discussion about this post