Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection Puerto Princesa kaugnay sa naging danyos ng naganap na sunog sa naturang mall kahapon, Miyerkules, Disyembre 7, pasadong 4:00 PM.
Sa report na ipinaabot ng BFP, nakatanggap umano sila ng tawag ganap na 4:16 PM kahapon kaya naman ito ay kanilang nirespondihan agad upang hindi na lumaki ang nangyayaring pag-apoy.
Ayon kay Senior Fire Officer 1 Mark Anthony Llacuna ng BFP, tagapagsalita ng naturang departamento, pagdating nila sa naturang establisimyento ay naapula na rin ng mga empleyado ng mall ang apoy.
“Ang naging cause o sanhi ng sunog ay dahil [sa] ihawan–yun yung mga naipon na taba doon [sa ihawan at] lumipad sa taas [na] may isang pulgada na syempre pag uminit, napaliyab [nito],” saad ni Llacuna.
Naideklara namang fire out na ang naturang lugar ganap na 4:20 PM kahapon kung saan wala rin namang nadamay o nasaktan dito.
“Dumating tayo doon ay na-apula na ang sunog so idineklara na lang natin [na] fire out. Ang kinagandahan doon ay may kaalaman [sa] training yung mga empleyado at mga guwardya doon,” dagdag pa nito.
Sa inisyal na impormasyon, umabot umano sa P1,000,000 ang naging danyos.
Bagamat paglilinaw ni SFO1 LIacuna, wala pang opisyal na deklarasyon ng kung magkano ang naging total na halaga ng pinsala dala ng naging sunog.
Discussion about this post