Puerto Princesa, Palawan – Kasalukuyang pinaghahanap ang tatlong katao na nasa videong kuha mula sa CCTV footage matapos tangayin ng mga ito ang alagang aso ng isang residente sa Purok Maharlika, Barangay San Manuel pasado 4:00 ng hapon noong Linggo, Mayo 28.
Sa kuha ng CCTV, malinaw na nakita ang tatlong indibiwal na dumaan sa harap ng bakuran ng tahanan ni Brenda Arancillo na lulan ng isang motorsiklo. Nang nasa harap na ng bakuran ng tahanan ay napansin ng mga ito na pagala-gala lamang ang alagang aso ni Arancillo, dahilan upang tangayin ng mga ito ang aso, bagaman alam ng mga itong hindi ito kanila.
Ayon pa kay Arancillo, sa salaysay ng isang kapitbahay ay nakita mismo nito ang ginawang pagtangay ng mga ito sa kanilang alagang aso at ng isinaklob sa ilalim ng t-shirt ng babaeng angkas sa motorsiklo ang kanilang alaga.
Ang insidente na ito ay ibinahagi ng Arancillo sa Palawan Daily upang palakasin ang kampanya para sa paghahanap sa tatlong mga indibidwal.
Nananawagan ngayon si Arancillo sa publiko na magbahagi ng anomang impormasyon na makakatulong sa pagkakakilanlan sa tatlong katao.
Samantala, hinihimok naman ang mga residente na mag-ingat at magpatuloy na maging mapagmatiyag upang maiwasan ang pagkakaroon ng mga insidente ng pagnanakaw o pang-aabuso sa kanilang mga alagang hayop.
Kung sinoman ang may impormasyon sa pagkakakilala ng tatlong indibidwal, mangyaring mag-iwan lamang ng mensahe sa Palawan Daily News o tumawag/mag text sa aming public service hotline number 09155430945.
Discussion about this post