Tatlong indibidwal na una nang nagpositibo sa COVID-19 mula sa lungsod ng Puerto Princesa ang “fully recovered” o gumaling na.
Ito ang masayang ibinalita ni Mayor Lucilo Bayron ngayong araw, June 27, sa pagharap nito sa mamamayan ng lungsod sa pamamagitan ng live update sa Facebook page ng City Mayor’s Office.
Ayon kay Bayron, isa dito ang Returning Overseas Filipino o ROF na dumating noong May 31 habang ang dalawa naman ay Locally Stranded Individuals o LSIs na nakauwi sa lungsod noong June 5.
Agad anyang na-isolate ang mga ito mula nang sila ay dumating sa lungsod hanggang sa sila ay gumaling at pahintulutang makauwi na sa kanilang mga bahay para makapiling ang kanilang mga pamilya.
“Ang naunang Returning Overseas Filipino o ROF at ang dalawang LSIs ang dini-deklara ng ating medical team as fully recovered nan a-isolate noong May 31 o 27 days nan a-isolate at June 5 na 22 days na-isolate. Ito ang pinaka-unang recovery sa ating lungsod. Nakamtan natin itong milestone ng recovery sa pamamgitan ng matinding sakripisyo ng ating medical team mula sa arrival hanggang sap ag-aalaga sa mga pasyente,” pahayag ni Bayron sa kanyang pagharap sa publiko sa online advisory sa Facebook.
Dahil dito, marapat lamang anya na pasalamatan ang frontliners na sa kabila ng panganib sa kanilang buhay at kalusugan ay mas pinili na magsilbi sa bayan.
“Ipinapa-abot ko ang deepest appreciation for the hardwork, dedication, sacrifices and courage na ipinakita ng ating mga frontliners o tinatawag naming COVID Warriors sa pagharap sa pandemyang ito. To all our COVID Warriors, thank you. Thank you for working hard beyond the call of duty,” dagdag ng punong lungsod.
Samantala, isang simpleng seremonya naman ang ginawa sa quarantine facility ng lungsod para sa tatlong indibidwal na lumaban at tinalo ang sakit na COVID-19.
Discussion about this post