Tatlong Philippine National Police ng lungsod ng Puerto Princesa ang ililipat sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) matapos magdesisyon ang Camp Crame sa kasong pagpasok sa sabungan ng mga pulis.
Naaktuhan at nakuhaan ng litrato nasa sabungan kong saan naka-assign a Barangay Anilawan bilang hepe si Police Chief Inspector Oligario Salvador at dalawang tauhan nito na si P01 Armin Galuz at P01 Randy Ramurar.
Ayon kay Police Senior Superintendent Ronnie Francis Cariaga, ang City Director ng Puerto Princesa Police Office, “bawal ang mga pulis na pumasok sa sabungan legal man o ilegal.”
Agad na ipinatawag ni Cariaga ang tatlo sa kanyang tanggapan upang magpaliwanag ngunit may ebidensiya laban sa mga ito.
Dagdag pa ng opisyal sinubukan pang dispinsahan ni Salvador ang sarili nito at sinabi umano na wala naman daw ito sa sabungan at nagkataon lamang na malapit siya sa lugar.
Paalala naman ni Cariaga, hindi lamang sa mga pulis maging sa iba pang mga hanay at kawani ng pamahalaan ay hindi maari magtungo ang mga ito sa loob ng sabungan.
Discussion about this post