Patuloy ang imbestigasyon ng PNP sa aksidente na naganap noong Sabado, ika-23 ng Hulyo, ganap na 9:20 ng gabi sa North National Highway, Bgy. San Jose, Puerto Princesa City.
Kinilala ang mga sangkot na sina Rajeni Velez Dy, isang negosyante, 44 taong gulang, driver ng Toyota at naninirahan sa Purok Magalang Sampaloc Road, Brgy. Sta. Monica, at si Reyan Arriesgado Revillas, isang binata at mekaniko ng sasakyan, 26 taong gulang, driver ng Honda RS 125, na naninirahan sa Purok Masagana, Brgy. Tagburos, Puerto Princesa City.
Ayon sa pangunahing imbestigasyon, ang Toyota ay nagmula sa pag-park sa Emy Fruitstand sa North National Highway patungong direksyon ng Brgy. Tagburos, habang ang motorsiklo naman ay naglalakbay sa North National patungo sa bayan. Pagdating sa lugar ng insidente, ang Toyota ay nag-U-turn at binigyan-daan ng susunod na sasakyan, subalit ang ginawa naman ng motorsiklo ay humabol at tinamaan ang kaliwang harapan ng Toyota.
Bilang resulta, ang motorsiklo ay sumemplang patungo sa kabilang linya at ang driver ay tumalsik sa kanal. Mayroong pisikal na injury ang driver ng motorsiklo at dinala siya sa Ospital ng Palawan ng ambulansiyang KAAC para sa medikal na paggamot. Napag-alaman din na nasa impluwensya ng alak ang motorista.
Discussion about this post