Sugatan ang isang traffic enforcer ng City Traffic Management Office o CTMO matapos tagain nang umawat sa isang kaguluhan kaninang 1:20 A.M., September 5,2019 sa Road 4 Typoco, Barangay San Manuel, Lunsod ng Puerto Princesa.
Nakilala ang biktima na si Arlene Levy Manalo Lagrada, nasa tamang edad at residente ng Barangay San Manuel.
Maliban kay Lagrada sugatan rin ang isa pang lalaki na nakilalang si Agustin Trinidad Ramirez, 21 taong gulang, nakatira sa Bgy Bacungan, Puerto Princesa City.
Samantala, nakilala ang mga suspek na sina Christian Dave Cañoso Olaje, 19, at Roland Gaben Villanueva, 27, pawang mga residente ng Bayan ng San Vicente, Palawan, at Joseph Oncepido Franciso, 19, na residente naman ng brgy.San Manuel, Puerto Prtincesa City.
Batay sa spot report ng Puerto Princesa City Police office o PPCPO, sinaksak umano ng suspek na si Olaje ang biktimang si Trinidad.
Dahil dito ay sinubukang umawat ng traffic enforcer na si Lagrada pero tinaga siya ni Villanueva at iba pang mga suspek.
Nagtamo ng sugat sa balikat si Lagrada at saksak sa katawan si Trinidad kaya agad silang isinugod sa isang pribadong hospital.
Ayon kay Police Corporal John Henry Halog, hindi pa nila matukoy ang pinakadahilan ng krimen pero pawang nakainom umano ang mga nasasangkot.
Sa ngayon ay nagpapagaling na ang mga biktima habang ang tatlong suspek na agad nahuli ay mahaharap sa kasong frustrated homicide.
Discussion about this post