Iron Man Competition na dapat sana’y gaganapin sa Puerto Princesa, naunsiyami dahil sa pandemya.
Sa ngayon habang wala pang aktibidad ng pampalakasan sa siyudad ay nakatutok ang lungsod sa pagpapagawa ng mga bagong istruktura tulad ng volleyball court at bagong gym para sa taekwando, arnis, wushu, boxing at chess. Ang mga nasabing istruktura ay matatagpuan sa likod ng Grandstand na itinatayo bilang paghahanda sa mga darating na maliliit at malalaking sports events tulad ng intramurals meet, city meet, mimaropa at palarong Pambansa.
Wala pa mang kasiguraduhan, umaasa ang mga taga Puerto Princesa na magaganap ang mga nasabing aktibidad sa oras na payagan ng IATF at Philippine Sports Commission (PSC) ang mga sports events sa lungsod. Habang wala pang permiso sa pagdaos ng mga pagtitipon at aktibidad pampalakasan, maaaring gamitin ang city sports complex para magpalakas ng katawan – maaring mag jogging, walking, stretching at iba pang paraan para palakasin ang resistensya habang naghihintay na matapos ang pandemya.
Pinapayagan na rin dito ang ibang sports events tulad ng basketball at football pero ito ay limitado pa rin sa mga gagawin na drills activity at mayroong percentage o dami ng mga bata na pwedeng sumali.
Kaya mas pinapayuhan ang lahat na patuloy na magpalakas ng resistensya nang hindi kapitan ng sakit. Keep safe everyone.
Discussion about this post