Bagama’t marami sa ating mga atleta ay nagagawa pa rin ang mag-ehersisyo sa kani-kanilang mga bahay, hindi pa rin sila makalabas para makapag-ensayo lalo kung walang kagamitan sa kanilang mga tahanan. Dahil sa patuloy pa rin ang pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID na posibleng tumagal pa, hindi maitatanggi na ang kinakaharap na challenge ay ang hindi sapat ang nutrisyon ng mga atleta. Sa ngayon ang madalas na kinakain ng mga tao ay mga tulong na nagmula sa ating gobyerno o sa pribadong sektor, kadalasan delata gaya ng sardinas, noodles, bigas, corned beef at iba pa ang tanging nakahain sa kanilang mga kainan.
Ayon sa mga pag-aaral, salat na sa kinakailangan nutrients ang ating mga pagkain at mas lalo na itong kulang dahil sa sa gantong krisis na nararanasan. Kinakailagan ang tamang pangaalaga sa katawan upang mapanatiling in top performance ang isang atleta. Paalala, dapat gawin sa mga pagkain na delata ay haluan ng mga masustansyang pangsahog, tulad ng mga gulay gaya ng malunggay, patola, sitaw, patatas, kangkong, kalabasa, alugbati at iba pa na pwedeng isahog sa sardinas, at corned beef. Kahit mga pang-gisa na rekado gaya ng bawang, sibuyas at luya ay malaki na ang tulong sa sustansya, para naman may na ibibigay na lakas parin sa ating mga katawan.
Mas mainam kung sasamahan na rin ng pagkain ng mga prutas para kompleto ang nabibigay na lakas sa katawan natin. Bilang isang atleta dapat alam natin ang mga pampalakas at masustansyang pagkain para sa ating katawan. Unang hakbang ito para di dapuan ng sakit, at syempre samahan pa rin ng patuloy na pag exercise sa araw-araw.
Karamihan naman sa atin ay may access online, puedeng mag-research ng mga recipe na madali lutuin at hindi mahirap hanapin ang mga rekado, na puede maihanda bilang pangsahog sa mga klase ng pagkain meron sa inyong mga hapag kainan. Kahit na nasa loob ng tahanan or bakuran nyo, ugaliing maging malinis sa katawan at gawing regular ang pagligo araw-araw.
Gawin ding produktibo ang pananatili sa inyong bahay, kaysa ubusin ang oras sa paglaro ng mga mobile games, mas mabuting magbasa ng mga libro o online features at interview hinggil sa mga karanasan, paghahanda at mga payo ng mga hinahangaang mga manlalaro buhat sa iba’t ibang larangan.
Yan ang ilang hakbang para patuloy parin maging malakas at matalino ang batang manlalaro sa panahong tulad nito kung saan sinusubokan ang ating katatagan, sa paglaban sa hamon ng bukas.
Discussion about this post