PUERTO PRINCESA CITY — Galing bayan ang Mitsubishi Centro na ito patungong Barangay Salvacion nang mag-overshot sa may unahan lng ng kurbada ng Kilometer 31 ng Barangay Santa Cruz.
May tatlong sakay kasama na ang may ari nito. Nangyari ang insidente bago mag alas 5:00 ng hapon, Hulyo 20. Pagmamay-ari umano ng Triple A ang sasakyang ito ayon sa drayber. Wala nmang gaanong perwisyo sa katawan ang tatlong sakay pero dinala pa rin sa pagamutan ang mga ito.
Ayon sa mga naka saksi, wala namang nakitang kasalubong ang sasakyan . Masuwerte nalng umano na walang pasok ang mga mag-aaral dahil sa oras na maganap ang aksidente, marami ang naglalakad na mga kabataan pauwi mula sa eskuwelahan.
Discussion about this post