Nagsagawa ng Gas-Oil Platform Takedown (GOPLAT) Exercise 2022 ang mga sundalo ng Philippine Navy at Joint Task Force Malampaya noong Disyembre 4-5 sa Malampaya Natural Gas Platform na may layuning masuri ang kahandaan sa operasyon ng dalawang departamento patungkol sa proteksyon ng Malampaya Natural Gas to Power Project (MNGPP).
Batay sa ulat ng Naval Forces West, ang pagsasanay ay dinaluhan ng mga Joint Task Force (JTFW) at Joint Task Force Malampaya (JTFM) na sila ay handang rumesponde sakali mang lusubin ng mga kalaban ang lugar ng Palawan, pati na rin sa iba pang pangyayari na hindi inaasahan.
Sa pagsisimula ng seremonya ng pagsasanay ay ipinahayag ni Capt. Brendo Casaclang, Deputy Commander for Fleet Operations ng NAVFORWEST na inaasahan niya na ang lahat ng nakilahok sa nasabing aktibidad ay makakapagpamalas ng kanilang kakayanan sa mga hindi inaasahang pagkakataon pati na rin sa possibleng mga acts of terrorism sa Malampaya.
Ayon naman kay Capt. Arnel F. Teodoro PN(MNSA), Deputy Commander ng JTFM at Co-Exercise Director, ang pagsasanay umano na ito ay may layunin din na pagandahin ang command at control, pakikipagtulungan, at kahandaan ng mga AFP Units pati na rin ang mga iba pang stakeholders.
“The Malampaya Project is one of the country’s economic crown jewels that provides more or less ten-hour of electricity to mainland Luzon, particularly in the National Capital Region. It is imperative that a coordinated and unified protection of the project is guaranteed and available on time,” anya.
Ang Malampaya Project ay isa sa mga napakahalagang istraktura sa ekonomiya ng bansa, dahil ito ang siyang nagbibigay ng mahigit 10 oras na suplay ng elektrisidad sa buong Luzon at buong National Capital Region (NCR).
Samantala, ilan sa mga aktibidad ng GOPLAT Exercise ay ang vertical insertion, and non-compliant Visit, Board, Search, and Seizure (VBSS) at ang naging highlight ng GOPLAT Exercise ay ang paggamit ng High Angle Sniping ng AW109 Navy Helicopter at Unmanned Aerial System para sa Intelligence at Surveillance Service.
Discussion about this post