Sardinas lang ang maiuulam ng kasundaluhan gamit ang kanilang P150 daily subsistence allowance. Ito ang maliwanag na pagsasalarawan ng dalawang mambabatas ng mataas na kapulungan, Senador Raffy Tulfo at Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, noong Setyembre 27 sa ginanap na Senate Hearing ng Committee of Finance para 2023 budget ng Department of National Defense.
Ipinahayag ni National Defense OIC Secretary Jose Faustino Jr. na ang allowance ng mga sundalo ay P150 lamang kada araw, at nakalaan para sa almusal, tanghalian, at hapunan, na pinipilit mapagkasya sa tuwina. “Yes halagang P150 pa din po ito kung tinitingnan natin siya ng P150 per day sa field, sa mga sundalo sa aming lahat sir binabalanse pa po iyon ng breakfast, lunch, dinner.”
Ayon naman kay Sen.Tulfo, noong minsan kampanya habang imiikot ikot siya ay nakita niya ang mga kasundalohan na ang ulam ay sardinas. “Noong kampanya sa aking pag- iikot, nakita ko mga sundalo ninyo sardinas po ang inuulam, kawawa naman po. Ano po ang mabibili ng 150 pesos per day ngayong three times silang kakain kulang po yun, di po sapat yun.”
Idinagdag pa ng senador…”Kung ako ang tatanungin yung 150 pesos wala pa siguro hindi pa tayo makabili ng magandang hamburger niyan. Makatikim man lang sana siguro mga kasundalohan natin ng masasarap na pagkain kasi sila ang nagbabantay sa atin. Nakakatulog tayo ng mahimbing sa gabi na knowing na nandoon sila (nagbabantay) tapos ginugutom natin sila.”
Sa pahayag naman ni Sen. Dela Rosa, dapat na taasan ang daily allowance ng mga sundalo dahil sa 150 pesos asin, toyo, at suka lang tapos hahanapin na nila sa kalsada ano ang kanilang maharvest dahon-dahon sa kalsada natin?
Sa panahon noon ni dating President Fidel V. Ramos ay P90 lamang ang daily allowance ng mga sundalo, at taong 2014 naman nang dagdagan at aprubahan ng Pangulong Benigno Aquino III ang daily allowance ng mga sundalo sa halagang P150, at ilang taon ng nakakalipas ay P150 pa rin ang allowance ng mga ito.
Inaasahan namang sa pagkakataong ito ay mabibigyan ng pansin ng mga mambabatas ang pagtaas ng mga daily subsistence allowance ng mga sundalo upang minsan pa ay magkaroon ng tamang pagtrato sa kanila, kasabay ng ginagawang pagbabantay para sa kasarinlan ng bansa.
Discussion about this post