Sangayon ang Tactical Operation Wing West (TowWest) kung sakaling maging mandatory ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) sa ginanap na Usapang Pangkapayapaan-Usapang Pangkaunlaran (UP-UP Palawan) ngayon araw Mayo 26, 2022.
Dumalo sa nasabing programa ang ilang mga kinatawan ng TowWest na sina Commanding Officer, 4th Air Reserve Center Col. Eulogio M. Nabua PAF (GSC), Group Commander TOG7 Lt.Col Francis L. Dancel PAF, Assistant Chief, Unit Strategic Management Office Captain Sanny L. Arellano PAF maging ang presidente ng Sambayanan Palawan na si David Dweine Dalag at Kadre Palawan President Jerwin Castigador.
Ayon kay Commanding Officer, 4th Air Reserve Center Col. Eulogio M. Nabua PAF (GSC), malaking tulong umano ang ROTC sakaling gawin itong mandatory dahil matututo umano ng tamang disiplina ang mga kabataan na maaring magamit ng mga ito balang araw.
“Ang pananaw ko po diyan sa Mandatory ROTC sa ating mga kabataan ay napakaganda po niyan…kasi itong ROTC training diyan natin mad-develop yung mga work ethics na kakailanganin natin later on the real time…I mean kapag may mga trabaho na tayo, kapag nasa ibang mga organizations na tayo na nag r-render ng important service para sa ating national government,” saad ni Col. Nabua
Dagdag pa ni Col. Nabua, kung sakaling maipatupad ito ay sinisiguro nila na hindi magkakaroon ng alin man pang-aabuso sa mga sasailalim sa ROTC.
“Sabi nga nila…’the only permanent thing in this world is change’…yung aming leadership from the Chief of Staff down the line mayroon tayong mga tinatawag na frameworks,” saad ni Col. Nabua
“Wherein in that frameworks nakalagay yung mga guidelines especially doon sa human resource development…yan ay may mga ino-observe na measurement kung yan ba ay na a-achieve ba talaga para hindi na maulit yung mga nangyari before,” dagdag pa ni Col. Nabua
Samantala, imbes na ilaan umano ang oras ng ilang mga kabataan sa ilang mga bagay na walang katuturan ay mas maigi na lamang umano na magsanay na lamang sa ROTC upang maiwas narin umano sa mga masasamang gawain at dito ay magkakaroon pa umano ng direksyon ang kanilang pamumuhay ayon kay Col. Nabua
“Instead of using their time doon sa ibang bagay…i-focus nalang nila yung time nila sa training…doon na f-form yung tamang direskyon ng kanilang pagkatao interms ng kanilang behavior or personality,” saad ni Col. Nabua
Discussion about this post