Epektibo Enero 13 ay may bago nang regional director ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Mimaropa.
Ang bagong mangangasiwa sa panrehiyong sangay ng PDEA ay ang abogadong si Jacqueline L. de Guzman na mula sa PDEA Region 8.
Pinalitan ni de Guzman si former PDEA-Mimaropa Regional Director Mario Ramos na umupo sa pwesto simula noong Nobyemre 2017 hanggang Enero 11, 2020 o sa loob n dalawang taon at dalawang buwan.
Sa pamamagitan ng text message, binanggit ni de Guzman na sa ilalim ng kanyang pamunuan ay mas paiigtingin pa ng kanilang ahensiya ang kampanya kontra iligal na droga.
Aniya, gaya ng dati ay tutukan nila ang tatlong prayoridad tulad ng supply reduction na isinasagawa sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na anti-drug operations, kasama ang pagpokus sa mga pier; demand reduction na nakapokus sa drug clearing activities at preventive education, ganoondin ang community involvement at harm reduction o pagre-rehab sa mga user at reformation para sa mga pusher sa pamamagitan ng Balay Silangan.
Dagdag pa ni RD de Guzman, hindi na bago sa kanya ang Mimaropa sapagkat minsan na rin niyang nahawakan ang similar na posisyon noong Nobyembre 2016 hanggang Agosto 2017 o sa loob ng walong buwan.
Discussion about this post