Nagsagawa ng reconnaissance survey ang Department of Energy (DOE) sa Palawan mula Agosto 12 hanggang 15 upang tukuyin ang potensyal ng tinatawag na “white hydrogen” bilang karagdagang mapagkukunan ng malinis na enerhiya sa bansa.
Ayon sa DOE, ang kanilang pangkat ay kumuha ng mga sample mula sa Kay’s Hot Spring sa Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa City at Bato-Bato Hot Spring sa Barangay Calategas, bayan ng Narra.
“Initial fieldwork results from sites such as Kay’s Hot Spring in Barangay Sta. Lourdes, Puerto Princesa City, and Bato-Bato Hot Spring in Barangay Calategas, Municipality of Narra, revealed promising indicators of naturally occurring hydrogen, underscoring Palawan’s potential to further contribute to the Philippines’ clean energy transition, apart from the Malampaya project,” pahayag ng ahensya.
Ang white hydrogen ay isang likas na nabubuong uri ng hydrogen na nalilikha kapag ang tubig sa ilalim ng lupa ay nagrereact sa mga batong mayaman sa iron, sa proseso na tinatawag na serpentinization. Itinuturing itong low-carbon energy source na maaaring makatulong sa pagpapalawak ng malinis na enerhiya ng bansa.
Nauna nang nagsagawa ang DOE ng reconnaissance survey mula Hunyo 30 hanggang Hulyo 4 sa Zambales at Pangasinan, partikular sa Botolan at Mangatarem hot springs, upang makakuha ng geological at environmental data.
Dagdag pa ng ahensya, ang mga nakalap na sample mula sa Palawan ay isasailalim sa pagsusuri upang makatulong na “guide the country’s broader strategy for harnessing indigenous clean energy resources.”
Ang dalawang survey ay magsisilbing “preparatory groundwork for the country’s first-ever specialized training on native hydrogen exploration, which will gather local and international technical experts later this year,” ayon pa sa DOE.