Tinatayang aabot sa 100 toneladang Fossilized Giant Clamshells na may estimated value na ₱250M ang na-recover sa King Paradise Island Resort, Brgy. Panitian, Sofronio Española noong ika-28 ng Hunyo, 2021.
Ito ay nasabat sa operasyon ng pinagsamang pwersa ng 2nd Special Operation Unit-Maritime Group (SOU-MG), Philippine Coast Guard (PCG) Palawan, Department of Environment and Natural Resources (DENR),Naval Intelligence Security Group-West (NISGW), Española Municipal Police Station at Palawan Council for Sustainable Development (PCSD).
Ang may-ari ng resort at dalawang caretakers nito ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9147 o “Wildlife Resources Conservation and Protection Act”.
Dahil sa laki, bigat at hindi mabilang na bilang ng mga nasamsam na higanteng clamshells o taklobo, ang ilang piraso ng mga ito bilang ebidensya ay pansamantalang iniwan sa pangangalaga ng mga kawani ng Brgy. Panitian
Discussion about this post