Ngayong araw ng Huwebes, Hunyo 13, alas-3:00 ng hapon, isang lindol na may lakas na magnitude 4.2 ang tumama 34 kilometro sa hilagang- silangan ng Coron, Palawan, na may lalim na 10 kilometro.
Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na wala namang agarang pinsala ang naitala o sinomang nasugatan buhat ng lindol.
Ang lindol na ito ay kasunod ng magnitude 5.1 na lindol na tumama sa Roxas, Cuyo, at bayan ng Narra kahapon ng Miyerkules,Hunyo 12.
Naramdaman naman umano ng ilang mga residente ang katamtamang pagyanig, ngunit wala namang inilabas na tsunami warning ang ahensya ng PHILVOCS.