Abala sa pagsasaayos ng mga nasirang provincial roads ng iba’t ibang bayan ng lalawigan batay sa ipinalabas na direktiba ni Gob. Victorino Dennis M. Socrates.
Ito ang kinumpirma ni Engr. Raymundo Oclarit II, OIC- Provincial Equipment Pool Office (PEPO) ng Pamahalaang Panlalawigan.
Ayon kay Oclarit, sa ngayon may mga critically damaged roads na malapit nang matapos ang pagsasaayos dahil sa patuloy na pagtutok ng kanilang tanggapan.
“Kung sa mga critical roads lang po, nasa 70% na po tayo, may mga hundred percent na tayo pero kung ito-total po natin yung kabuuan nasa 70% na tayo. Kasi naandiyan pa po yong Labog at Naltep [Sofronio Española] at yung Sarong-Igang-Igang [Bataraza], ‘yan po kulang pa po ‘yan pero tuloy-tuloy po ang pagkukumpuni niyan,” ani Oclarit.
Narito ang listahan ng ilang critically damaged provincial roads na tuluyan nang naisaayos gayundin ang mga kasalukuyang ipinagpapatuloy ang pagsasaayos sa iba’t ibang munisipyo sa lalawigan:
Municipality of Aborlan
Isaub – Sagpangan Rd. (on going)
Municipality of Narra
Linamen Feeder Rd. (on going)
Aramaywan Parangue Rd. (on going)
Municipality of Quezon
Abo-abo – Isugod Rd. (on going)
Municipality of Rizal
Rancho – Puntabaja – Malapandeg Rd. (on going)
Municipality of Sofronio Española
Labog Naltep Rd.(on going)
Municipality of Brooke’s Point
Oring-Oring Rd. (completed)
Municipality of Bataraza
Sandoval – Igang-Igang – Sarong Rd. (on going)
Ocayan Rd. on going)
Municipality of Roxas
Highway Jct. New Cuyo – Rizal Rd. (completed)
Highway Jct. Tumarbong Rd. (completed)
Tumarbong – Antonino Rd. (completed)
Antonino – Maragok Rd. (ongoing)
Tumarbong – Ilian Rd. (ongoing)
Ilian – Bagong Bayan Rd. (ongoing)
Dumarao – Ilian-Ilian Rd. (ongoing)
Highway Jct. Little Caramay (completed)
Caruray Rd.- B (completed)
Municipality of San Vicente
Canadcan – Alimanguan Rd. (completed)
Alimanguan – Sto. Niño Rd. (completed)
Sto. Niño – New Canipo – Binga Rd. (completed)
Highway Jct. Little Caramay Caruray Rd.- A (completed)
Binga – Cauban Rd. (completed)
Municipality of Taytay
Abongan – Alacalian – Kawakayan – Binga Rd. (completed)
Municipality of Dumaran
Itangil – Latongay Rd. (ongoing)
Latongay – Sta. Terisita Rd. (ongoing)
Dumaran – Araceli Rd. – B (ongoing)
Dumaran – Sto. Tomas Rd. (ongoing)
Municipality of Araceli
Araceli – Dumaran Rd. – A (ongoing)
Banglen – Taloto Rd. (completed)
Municipality of Busuanga
New Busuanga – New Quezon Rd. (ongoing)
Sinigurado rin ni Engr. Oclarit na ang mga heavy equipment ng Pamahalaang Panlalawigan ay kasalukuyang nakadeploy sa mga kalsadang kanilang isinasaayos para sa mas mabilis na aksiyon sa mga ito.
“Humihingi kami ng paumanhin at patuloy po naming gagawin ang mga provincial roads na nakaatang sa amin. Sa akin pong pagtatalaga at paggawa ng strategy kasama ng aking mga PGP Engineers na talagang dedicated sa paggawa nito, gayundin ang mga empleyado ng departamento ng Provincial Equipment Pool Office. Patuloy po naming gagawin sa aming maaabot para magawa po namin ang mga provincial roads,” dagdag pa nito.
Discussion about this post