Nakalabas na kahapon mula sa Ospital ng Palawan (ONP) ang anim na taong gulang na batang lalaking Taiwanese na kasama sa na-isolate dahil sa hinalang mayroong novel coronavirus.
Binigyan ang pasyente ng order for discharge na pirmado ng spokesperson at pinuno ng Medical Professional Staff ng ONP na si Dr. Audie Csar Cipriano.
Ayon kay Dok. Cipriano, “bacterial ang source” ng kanyang sakit base sa blood picture.
“It’s a respiratory symptoms, more on bacterial [ang sanhi ng kanyang sakit] kaya siya na-discharge, [at] hindi [new] coronavirus,” dagdag pa ng doktor.
Nilinaw pa ng opisyal ng ONP na hindi nakita sa pasyente ang apat na mga criteria para mapasok bilang kaso ng coronavirus.
“Wala rin [siyang his history ng travel sa Wuhan City, China]. Questionable [actually] ang exposure [niya sa nCoV],” paliwanag pa niya.
Samantala, ang nakalabas ng pasyente ay iba pa sa sampung taong gulang na batang babae, na mula sa El Nido, na nananatiling nasa isolation room hanggang ngayon habang hinihintay ang resulta ng confirmatory tests.
Discussion about this post