Nakapagtala ang City Health Office ng mataas na kaso ng dengue sa lungsod ng Puerto Princesa mula sa limang barangay simula noong Enero hanggang ngayong buwan ng Agosto.
Nangunguna sa listahan ang Barangay San Pedro kung saan 35 ang naitalang kaso, San Miguel 26, Sta. Monica 24, Sicsican 17 at ang panlima ay San Jose na umabot sa 16 ang bilang ng nagkasakit.
Ito ang isiniwalat ni Kent Ventura, Nurse 4 Vector Borne Program Coordinator ng City Health Office, na ngayong araw ng Lunes ay nakapagtala ang kanilang tanggapan patungkol sa pagtaas ng kaso ng dengue na umabot sa mahigit 221 kumpara noong nakaraang linggo ay 188 na kaso lamang. Apat na ang naitalang nasawi kung saan pawang mga menor de edad.
“As of today Monday mayroon tayong 221 cases ng dengue, last week meron tayo 188, after a week nadagdagan na po ngayon…221 cases na lahat, at nangunguna parin ang Barangay San Pedro, pangalawa Barangay San Miguel, pangatlo Barangay Sta. Monica pang-apat Sicsican at pang lima ay Barangay San Jose,” paliwanag ni Ventura.
“Ngayong taon apat na casualty sa Barangay Sta Monica isa, sa Barangay Sicsican dalawa at sa Barangay Bancao-Bancao ay isa,at ang mga biktima ay yung 6 to 12 years old kadalasan ang naging biktima ay bata,” dagdag pa ni Ventura.
Nilinaw din nito na kontrolado narin nila ang pagtaas ng kaso ng dengue at hindi pa ito pasok sa kanilang case treasured na dapat ika-alarma at gumagawa narin sila ng hakbang upang ma-solusyonan ang pagtaas ng kaso ng dengue sa lungsod.
“Patuloy tayo sa pagbigay ng Information Education Campaign sa lahat ng barangay sa Puerto Princesa, so nagagamit din natin, kasama at katulong natin ang Incident Management Team (IMT) sa pagbigay ng information regarding sa dengue, kasi ang information is the key,” ani ni Ventura.
Mababa ang kaso ngayon ng dengue kung ikukumpara noong nakaraang taon, ngunit kahit may pagtaas man ng kaso ayon sa CHO ay hindi pa rin ito nakakaalarma.
Samantala, upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng dengue maglinis ng kapaligiran, itapon ang mga nakaimbak na tubig upang hindi pamugaran ng mga lamot at kiti-kiti, dahil naniniwala si Ventura kung mayroon desiplina sa komunidad ay maiiwasan ang pagtaas ng kaso ng dengue.
“Tayo ay may magagawa lalo na yung for strategy yung search and destroy breeding places, tayo mismo pag-uwi sa bahay puwede natin gawin, i-ikot tayo ng bahay hanapin natin yung pinamunugaran ng lamok yung mga naipon na kiti-kiti pag natanggal natin makaka-less na tayo sa community. Imagine kung lahat ng bahay ginagawa yun so kung walang lamok walang dengue,” paliwang ni Ventura.
Discussion about this post