Inaasahang kagyat na mabibigyan ng positibong aksyon mula sa opisina ni Congressman Edward S. Hagedorn ang resulosyong magkatuwang na isinusulong ni Konsehal Jimmy Carbonell at Luis Marcaida III ng lungsod ng Puerto Princesa, para sa paglalagay ng istrukturang bahay tuluyan ng mga pamilya ng pasyenteng kasalukuyang nakaratay sa Ospital ng Palawan.
Kapansin-pansin na kasi ang mga indibidwal na kahit saan na lamang natutulog sa paligid ng Ospital ng Palawan, habang ang kanilang mahal sa buhay ay naka-confine sa loob ng pagamutan.
Isa sa polisiya ng Ospital ng Palawan, ang tag- isang dalaw o bantay lamang sa kada pasyente ng pagamutan upang maiwasan ang masyadong pagsisikip samantalang ang paligid naman nito sa labas ng gusali ay naglipana ang mga indibidwal na doon na lamang nagpapalipas ng magdamag.
Sakaling mabigyang pag-sangayon ang opisina ni Congressman Hagedorn ang siyang inaasahang magsasagawa ng proyekto, samantalang ang naturang resulosyon ay inirefer na ngayon sa Committee on Public Works and Infrastructure ng Sangguniang Panglungsod ng Puerto Princesa.
Discussion about this post