Sakaling magpasya ang Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alisin ang state of public health emergency para sa COVID-19, magalang na susundin ng Department of Health ang desisyon.
Batay sa pahayag ni Acting Health Secretary Maria Rosario Vergeire nakapagsumite na sila ng kanilang rekomendasyon sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at nasa desisyon nito kung palalawigin ang state of public health emergency, samantalang nakahanda naman nang kagawaran na igalang anuman ang ipalabas na desisyon ng Pangulo kung palawigin ito o hindi base sa kanilang rekomendasyon.
Binigyang diin pa ni Vergeire, kung hindi pa palalawigin ang state of public health emergency, nakatakda silang maghanap ng iba pang hakbang para payagan ang tax-free procurement ng mga bakuna at ang pagbabayad ng mga health worker habang hindi pa naipapasa sa kongreso ang Centers for Disease Control and Prevention Bill.
Bilang pangwakas, binigyang diin ni Vergeire ang kahalagahan ng deklarasyon mula sa pinuno ng bansa pagdating sa pagkuha ng mga bakuna at pagbabayad ng suweldo ng mga health workers.
Discussion about this post