Muli na namang nagpalabas ng babala ang mga kinauukulang pangkalusugan sa bansang Amerika.
Kaugnay nito ay mariing hinihiling ng mga opisyal ng pampublikong kalusugan sa Amerika ang muling pagsusuot ng face mask dahil sa malaking posibilidad ng pagtaas ng tinatawag na “tripledemic” ngayong kapaskuhan.
Ayon kay Centers for Disease Control and Prevention Director Rochelle Walensk, ang kumbinasyon ng surging influenza, COVID-19, at respiratory syncytial virus (RSV) ay nagpapahirap sa mga sistema ng pangkalusugan ng mga tao sa buong Amerika sa mga nakakalipas na ilang linggo.
Sa kasalukuyan, halos bawat estado ng Amerika ay may kaakibat na lungsod na nasa high o medium ang antas ng COVID-19 rates, kung kaya’t mahigpit na suhestiyon o inirerekomenda pa rin ang pagsuot ng face mask kapag nasa loob ng mga pasilidad o gusali.
Samantala, bukod tanging ang Hawaii, Maine, New Hampshire, at Washington DC lamang ang mga lugar na may mababang antas ng transmission.
Ang California, New York, Oregon, at Washington State ang mga nangunguna sa naturang bansa na nagpapatulad muli ng kanilang indoor mask mandates.
Discussion about this post