Ang pagkawala ng timbang ay maaaring magdulot ng mga benepisyo sa kalusugan, ngunit isang bagong pag-aaral ay nagpapakita na ito ay hindi naaangkop sa lahat ng edad.
Ayon sa resulta mula sa pag-aaral na pinangunahan ni Dr. Monica Hussain, isang epidemiologist at senior research person sa departamento ng pampublikong kalusugan at medisina ng Monash University sa Melbourne, Asutralia, ang pagkawala ng timbang sa mga nakatatandang tao ay maaaring magdulot ng hindi magandang epekto sa kalusugan at maaring magdulot ng mas maagang kamatayan.
Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa 17,000 mga indibidwal mula sa Australia na may edad na 70 taon pataas at 2,000 indibidwal naman mula sa Estados Unidos na may edad na 65 anyos pataas. Ang mga kalahok ay nasubaybayan ng apat na taon (2010-2014) at nakitaan ng pagkawala ng timbang.
Sa katunayan, ayon sa pag-aaral, ang mga taong mayroong pagbaba ng timbang na higit sa 5% ay may mas mataas ang posibilidad na magkaroon ng mas maagang kamatayan kaysa sa mga taong hindi nagbawas ng timbang, na mas kalimitan nangyayari sa mga lalaking may edad.
Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay nagpapakita na ang pagkawala ng timbang sa mga nakatatanda ay hindi naaangkop sa lahat ng mga kaso. Sa halip, ang pagpapanatili ng tamang timbang at ang pagkakaroon ng balanseng diyeta ay mas mahalaga para sa mga taong may edad.
Ang nasabing pag-aaral ay kinabilangan lamang ng mga may edad na indibidwal na walang tinataglay na anomang karamdaman kagaya ng cardiovascular diseases o mga karamdamang may kinalaman sa puso, dementia, o pagkapurol ng memorya, mga pisikal na kapansanan at iba pang mga sakit na maaring maka-apekto sa ginawang pag-aaral.
Gayunpaman, nilinaw rin sa pag-aaral na ang pagkawala ng timbang ay hindi kailangang maging negatibo para sa kalusugan ng isang indibidwal, ngunit ang pagbaba ng timbang na hindi naiintindihan o naipapaliwanag ay dapat maagap a masuri upang malaman kung mayroong mga underlying na sakit o kundisyon na dapat bigyan ng karampatang lunas.
Sa huli, ang pagkakaroon ng maayos na nutrisyon at mga wastong kaugalian sa pagkain ay mahalaga para sa lahat ng mga indibidwal sa lahat ng edad.
Discussion about this post