Handa ang tropa ng pamahalaan sa posibleng resbak ng mga miyembro ng New People’s Army o NPA kaugnay sa limang kasapi nito na binawian ng buhay sa nangyaring engkwentro noong naakaraang huwebes (September 3, 2020).
Sa isinagawang press conference ng 3rd Marine Brigade, sinigurado ng mga ito na laging handa ang kanilang hanay sa retaliation ng NPA lalo na at may dalawa pang leader ng grupo ang narito sa lalawigan.
Kung sakaling may plano gumanti ang mga NPA ay madali lamang ito maiiwasan kung tutulong ang mga mga nasa kumunidad na iparating sa kanila ang mga armadong grupo na kanilang makikita, gaya nang ginawa ng isang taga Barangay Maasin na naglakas loob mag sumbong sa kanila na nag resulta sa pagkamatay ng kanilang tatlong leader at dalawang kasamahan.
Binigyang diin 3rd Marine Brigade na ang kapayapaan umano sa isang lugar ay hindi lamang tungkulin ng mga nasa law enforcement kundi responsibilidad ng lahat.
Via Gilbert Basio
Discussion about this post