Trending ngayon sa socia media ang isang kainan sa Batangas City matapos ma diskobre na dalawa sa mga tauhan nito ay “sumesekwat” ng kanilang mga panindang ulam.
Ayon sa post ng may-ari ng Papa Dee’s, isang kainan sa Batangas City, nag-apply umano sa kanya ang dalawa. Ang isa ay dati na nitong tauhan na bumalik lamang at may nagrekomenda pa ng isang tauhan.
Iniabot sa kanya nito ang mga bio-data na halos hindi katanggap-tanggap ngunit nangibabaw umano ang awa nito sa dalawa.
Tinanggap nuta ang dalawa at nag umpisa nang magtrabaho sa kainan ang mga ito.
Ngunit, isang normal na araw, habang ang lahat ay abala na mag asikaso sa kainan, naisipan ng may-ari na tumulong sa kanyang mga tauhan.
Nagtaka umano siya kung bakit hindi matapos tapos sa pagtatadtad ang isa niyang bagong tauhan sa bodega ng pang sisig.
Ng tingnan ng kanyang isa pang tauhan na stay-in kung ano ang ginagawa nito sa bodyea ay napansin nito ang kanyang bag na mabigat at halos lumono na ang laman. Ng buksan niya ito ay tumambad sakanya ang iba’t-ibang klase ng mga panindang ulam sa loob ng bag.
“Naka apat akong balik sa kitchen pero hindi pa din sita tapos sa pagtatadtad. Iyun pala nakakaramdam na ‘yung isang staff ko na stay in. Nagtataka siya bakit parang nabigat o nalobo ‘yung bag. Nung bumalik sa kitchen si staff dun na tiningnan ng stay in ko na staff ‘yung bag. Doon na po ako tinawag para makita ang kanilang kinuha,” ayon sa post ng may-ari.
“Kung pagkain ang usapan. Free meal sila saken bahala sila kung anong gusto nilang kainin at kung gaano kadaming kanin ang makain nila. Hindi ako madamot pag dating sa pagkain, alam ng lahat ng staff ko ‘yan. Kung lapitan man nila ako na may problema sila napakadali kong lapitan. Cash advance walang problema,” dagdag niya.
Nanghinayang naman ito sa kanyang dalawang tauhan dahil masipag at maayos magtrabaho.
Ngunit, aniya, ay mas mabuti ng manghinhi kesa magnakaw.
Discussion about this post