Pinagtuunang pansin ang kahalahagan ng food security, sugar independence at energy transition ng isang bansa.
Ito ang pangunahing topiko sa pulong na pinangunahan ng Pangulong Ferdinand “Bong-Bong” Marcos, Jr. kasama ang mga opisal ng DATAGRO, isang nangungunang science- based agriculture development company ng bansang Brazil.
Sa mga istratehiyang ilalatag ng DATAGRO, muling makakabangon ang ekonomiya ng bansa at magkakaroon ng positibong resulta para sa sektor ng agrikultura, bukod pa sa positibong ekonomiya ng bansa, na kung saan isa sa mga potensyal na tataas ang kita ay ang mga magsasaka na mula sa kanilang ani na 61 tonelada hanggang 80 tonelada kada ektarya.
Inaasahang magiging reyalidad paborable sa Pilipinas ang mga nakaambang programa para sa sektor ng agrikultura sa mga susunod na panahon sa pangunguna ng Pangulong Marcos, bilang siya ring kalihim ng kagawaran.
Discussion about this post