Mariing pinaalalahanan ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa Malacañang Palace kahapon, unang araw ng Disyembre hinggil sa mga tungkulin ng mga bagong itinalagang at nakumpirmang Ambassadors Extraordinary and Plenipotentiary bilang mga kinatawang hinirang ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa sa buong mundo.
Hinimok ng Pangulong Marcos ang mga diplomats na puspusang itaguyod ang interes ng Pilipinas at itaguyod ang pakikipagtulungan sa lahat ng mga kalapit na bansa, kasabay ng gawaing patuloy na maghanap ng mga oportunidad para sa negosyo at pakikipagsosyo para sa Pilipinas.
Sang-ayon sa Pangulong Marcos, upang matulungan ang ekonomiya ng Pilipinas at mapabuti ang buhay ng mga Pilipino saan man sa mundo, kinakailangang magpapatuloy ang pagsisikap ng gobyerno na i-maximize ang available resources at opportunities para sa pakikipagtulungan sa ibang mga bansa.
Sinabi ng Pangulong Marcos, ang mga ambassador na bilang mga kinatawan ng Pilipinas, ay dapat magsilbing instrumento sa pagtulong sa ekonomiya ng Pilipinas at paghahangad ng mga oportunidad na makahimok ng mas maraming investors, kung kaya’t nararapat na patuloy na makipag-ugnayan ang mga kinatawan ng bansa para sa positibong resulta paborable sa Pilipinas.
Bukod dito, kailangang magkaroon ng mga programa at proyekto na makakabenepisyo at makakabigay ng positibong resulta sa lahat ng aspeto sa bansang Pilipinas.
Kabilang sa bagong envoys ay sina:
- Ambassador Grace Tolentino Cruz-Fabella (Argentine Republic)
- Ambassador Jaime Victor Badillo Leda (Kingdom of Belgium)
- Ambassador Joseph Gerard Bacani Angeles (Federative Republic of Brazil)
- Ambassador Eduardo Martin Ramos Meñez (Czech Republic)
- Ambassador Gina Alagon Jamoralin (Republic of Indonesia)
- Ambassador Pedro Ramirez Laylo Jr. (State of Israel)
- Ambassador Nathaniel Garcia Imperial (Italian Republic)
- Ambassador Mylene de Joya Garcia-Albano (Japan)
- Ambassador Wilfredo Cunanan Santos (Hashemite Kingdom of Jordan)
- Ambassador Lilybeth Rodriguez Deapera (United Mexican States)
- Ambassador Lilibeth Velasco Pono (State of Qatar)
- Ambassador Medardo Antonio Gonzales Macaraig (Republic of Singapore)
- Ambassador Alfonso Ferdinand Agbayani Ver (United Arab Emirates)
Discussion about this post