Matapos ang nangyaring pambobomba sa Jolo at Zamboanga na di umano ay kagagawan ng Abu Sayyaf, isang bomb scare text ang kumakalat ngayon sa Facebook Messenger.
Ayon kay Jovy Reyes, isa sa mga nakatanggap ng bomb scare text, noong Martes pa lang nang may natanggap na siyang text message na di umano galing sa SM officer na nagsasabing iwasan muna ang pumunta sa SM Malls dahil sa nakatanggap ng ‘bomb threat’ ang nasabing mall mula sa grupo ng Abu Sayyaf.
“Pagkabasa ko ng [text] message natakot ako kasi nga diba may balita na binomba yung simbahan sa Sulu ba yun tapos kanina sa Zamboanga kaya may posibilidad [na] paano kung dito na sa atin ang susunod? Kaya sinend ko din sa iba kong kakilala kasi hindi naman sa ano pero mas maigi na ang mag-ingat,” saad ni Reyes.
Sinabi pa sa nasabing kumakalat na text message na humihingi ang Abu Sayyaf ng $15 million sa SM Supermalls at mayroon lamang silang isang linggo upang maibigay ito dahil kung hindi ay tataniman ng Abu Sayyaf ng bomba ang nasabing mall.
“From SM Officers: Hi guys! Just an update, we just got a call from abusayaf right now asking SM for $15million! Or else they’re going to bomb the mall. We have 1 week to do that. We are on high alert now. Tell your love ones, friends and co workers better avoid any SM branch for the mean time. Better be safe than sorry. We are doing close security after receiving the call this morning. Don’t post on your walls as per request of the officer. But do inform relatives and friends. Please private message only. (this is frm : BCD SM ADMIN . – Frm : Kyla Avonahceh . please don’t post it on your wall . kindly , pass this on your friends . Thankyou”
Samantala, naglabas naman ng official statement ang SM Supermalls patungkol sa kumakalat na bomb scare text.
Ayon sa pamunuan ng SM Supermalls, walang katotohanan ang kumakalat na text message at 2017 pa nang magsimulang kumalat ang nasabing bomb scare text na ito. Wala din umano silang empleyadong Kyla Avonahceh ang pangalan.
“The information has been recirculated already for the past 3 years. It has been verified to be a hoax thru a joint investigation of our company and the local PNP in several areas,” saad sa opisyal na pahayag ng SM Supermalls.
Nangako naman ang pamunuan ng SM Supermalls na mahigpit ang kanilang seguridad para sa kapakanan ng kanilang mga customer, tenants, gayundin sa kanilang mga empleyado.
Discussion about this post