Nagsulong ng kanyang kahilingan si Kabayan Partylist Representative Ron Salo para sa Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos na gumamit ng salitang Filipino sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA).
Sinabi ni Salo, magandang pakinggan kung lahat ng bibigkasin ng Pangulong Marcos ay maaintidihan ng sinumang kapwa Filipino na makikinig sa talumpati ng Punong Ehekutibo ng bansa.
Ayon sa kongresista, mas maraming Pilipinong manonood at makikinig sa State of the Nation Address (SONA), ay mararamdaaman ang sensiridad ng Pangulo kung mas naiintindihan nila ang mensaheng nais nitong iparating sa sambayanan.
Ang mas malapit at mahigpit na koneksyon ng bawat isang mamamayan ay maisusulong dahil ang lahat ay makakaunawa sa bawat salita nitong bibigkasin.
Matatandaan na naging epektibo at nakatulong ng malaki sa pangangampanya nitong nakalipas na halalan ang pagsasalita noon ni Pangulong Marcos ng Filipino upang makuha ang atensiyon ng mga botante.
Discussion about this post